Saturday, September 08, 2007

WAG NYO GAMITIN ANG CHINA BANK ATM SA EASTWOOD CYBERMALL


Nung biyernes ng Umaga, mga alas siete yun. Kakalabas lang ng sweldo. Syempre, masaya ako, pota sweldo eh. Eh gusto ko na mag withdraw, ang pinakamalapit na withdrawhan yung sa Cybermall na Chinabank ATM stall, kasi nga Citibank yung card ko. Ok, kasma ko si bebe, pasok sa Cybermall, taas ng escalator, u-turn ng pakanan, CHINABANK ATM AYOS POTA WALANG PILA! Ok lagay ang card, enter pin, withdraw 6,000, bibilin ko lahat ng nakasalang na hamburger sa makdo pota gutom na ako... antay ng 10 seconds... "This machine can only dispose 100 bills ". So syempre ang reaction ko, "Pota ka wala ako pake!" Sabay pindot sa ok. Walang lumabas na pera, baka wala na laman, di kinaya yung limpak na limpak kong perang 6,000 pesos. Sinubukan ko mag withdraw ng 1,000 lang. Ayos, pumasok, tig isang daan, takbo na ng makdo para kumain. Pagkakain, dumeretso ako sa Citibank mismo, baka may 500 bills sila dun, unlike the jologs chinabank atm sa cybermall. Withdraw 6,000!!!, "Insufficient Funds", tiningnan ko baka 60,000 nilagay ko, 6,000 naman. "ABA!" napa aba ako. Ok, balance inquiry, OPS nawala na yung 6,000, "KUMIKINANGINA, NASAN NA?". Pero syempre alam ko na nadebit yun ng super jologs na Chinabank ATM sa Eastwood Cybermall kaya nag acting lang talaga ako para mayamot yung mga nag sesetup sa banko ng Citibank. Tumawag ako sa Citibank customer service, ayos, pangalan nung agent Monet, ganda ng voice, nakakagising... report report, confirm confirm, na debit nga daw, iimbestigahan pa, mukhang may namatay ata habang nadebit yung account ko. Medyo pumangit yung tingin ko kay Monet, kasi sabi niya 1-15 days daw yung turn around time. Nag sorry sakin si Monet, pero parang yung tono ako may kasalanan kasi sarcastic yung pagkasabi niya. Parang, "Sorry ah, tatanga tanga ka kasi eh, dun ka nag withdraw!", malditang babae to ah. Ok yamot, pero ganun talaga. Pumunta ako Chinabank, dun lang sa harap ng Cybermall. "Na debit account ko, sa inyo ba yung ATM sa cybermall". Sagot nung lalake sa front desk, "UU samin, write down the details here in this piec...." tapos bigla siya pinigilan ni ATE na katabi niya, "WAITS, ETO NALANG PARA MABILIS", inabot sakin yung phone, customer service daw ng Chinabank. "Hello" sabi ng mahinhin na boses sa telepono. Napaisip ako bigla, "Parang hindi customer service, parang gusto lang makipag phonepal". "HELLO, NA DEBIT AKO!" sabi ko sa babae. "Ok sir" sagot niya na parang iiyak. Hindi naman ako galit, di ko naman siya inaaway, friend kaya ako, tae. Ok para matapos na yung kwento, sabi niya, biyernes daw so Monday pa malalaman kung sino ang may kasalanan bat nadebit account ko. (SINO PA MAY KASALANAN? EH MACHINE NYO YUN! WOW GALING!). Binigyan niya ako ng "Reference Number". Pagbaba ko ng phone, sinabi sakin nung ATE sa frontdesk, "Wag nyo na gamitin yung sa Cybermall, sira yun eh, araw araw may nagrereport ng debit galing dun". Napaisip ako "Ah ayos, eh diba sa inyo yun, bat di nyo pa tanggalin dun? Galing ah!". Ok, lesson, wag na kayo mag transact dun sa Chinabank ATM sa Cybermall... 15 days ako magaantay na mabalik sakin pera ko, at nagdadasal na babalik nga. Na debit narin naman ako dati, sa ibank na account ko, at tama nga lagpas 2 weeks bago ma resolve. Galing talaga ng sistema dito sa pilipinas, ok sa olrayt. Pag nakuha ko yung pera ko, babalikan ko yung machine na yun, ngangartan ko sa mukha. Woo!

3 comments:

Anonymous said...

ay naku..jologs talga..dun din sa Chinabank SM Cubao, kinain un CITIcard ko..pero dati p yun, di n q nag w-w/draw dun baka ma-tetano p ko...=P

Anonymous said...

Yun ChinaBank sa Shaw MRT pucha sira din! pagkakain sa card mo mga 15-30minits bago iluwa wla nmn ilalabas na pera! kala ko nga nde na ilalabas eh gs2 ko narin magwala. Ano bang klaseng bangko toh? Gs2 puro deposit tapos pag withdraw ayaw na??? Ayusin nyo nmn service nyo mga tga ChinaBank!!!

-jm-

Honey Ganda said...

ako din nadebit sa BPI naman... eng eng ko din kasi... 50k ba naman withdrawin ko eh 20k lang ang max.. nagawa ko na din kasi dati magwithdraw ng 50k sa same machine. pero buti na lang after 1 day nabalik na ulit sa account ko.. bpi din kasi yung ATM. heehee.